Daddy sorry wala akong medal
Parenting

Daddy Sorry Wala Akong Medal

“Daddy sorry wala akong medal” these were the words Macy told her dad when he picked her up after school. I can feel the pain in her words when my husband told me about this when they got home.

For the record, we never pressure our children to have medals or honors. Lagi lang dapat masagutan ang assignment (if meron), maintindihan turo ng teacher at wag babagsak then okay na yun.

I am even guilty of allowing them to use their mobile phones during weekdays. I know there are parents who have strict rules about mobile phones, but we’re not. We want studying to come naturally. For them to WANT to study, not the need to do so.

“Iyak na iyak si Macy paglabas ng room tapos sabi ‘sorry daddy wala akong medal’, niyakap ko na lang at pinatahan” her daddy told me pag uwi nila galing school. Ramdam ko yung lungkot nya at feeling nya na disappoint kami na wala syang honors.

Sabi ko sa anak ko, “Okay lang wala ka medal, next year nalang ulit”. Siguro kasi last year honor sya tapos ate nya consistent honor every year. She must have felt the need to be an honor student too.

So I told them this, like I always do – mas importante ang diskarte at abilidad sa buhay. Hindi namin kailangan ng medal, ang importante ginawa mo yung best mo.

Throwback

Naalala ko noon nag-aaral pa lang ako. Late bloomer ako eh. Grade four lang ako nag simulang maging honor. Tapos nung high school hindi rin naman ako naging honor. Kasi sabi ko noon, sa inyo na yung honors, nasa labas ng school ang totoong laban ng buhay. At hindi ko inisip kahit minsan na wala ako mararating sa buhay kung wala man ako medal.

After ko mag high school, hindi agad ako nakapag college. Wala kasi pam paaral ang mga magulang ko. Hindi ko naman sila sinisisi noon, naiintindihan ko kasi na wala kaming pera.

Pero sabi ko sa sarili ko, mag tatapos pa rin ako ng pag-aaral at mag tatrabaho ako sa Makati. Yan ang pangarap ko noon bilang isang probinsyana. Mapakag work sa Manila.

Kaya nag hanap ako ng work para makaipon ng pang enroll. Mga limang beses yata ako nag apply sa Jollibee noon pero lagi ako hindi natatanggap. Nung pang anim teary eyed nako during interview kaya siguro naawa na lang yung manager at tinanggap ako haha!

Inipon ko yung sweldo ko habang nag bibigay rin ng pera sa nanay ko noon. Nung malapit nako ma endo, at malapit na rin mag enrollment, bumili ako sa kasama ko na crew din ng second hand uniform ng Laguna College. Medyo kupas na nga pero sabi ko pwede na yan.

College days…

During college hirap pa rin sa pera. Pero ginapang ako ng nanay at tatay ko sa pag-aaral. Kahit pa nagkautang utang kami noon. Nakita rin siguro nila na pursigido talaga ako makatapos. Pero nag stop ulit ako nung second year college second sem. Wala kasi talaga pang enroll. Gabi gabi ako umiiyak noon. Pero naging motivation ko yun para tumuloy pa rin makatapos.

Naalala ko pa noon, after ko makaenroll ulit, sabi ng kapitbahay namin, “Na Minda, wag mo na pag tapusin yan, mag aasawa rin naman yan. Papasukin mo sa Industrial Park, malakas ang overtime doon”. (Syempre hindi ko na sasabihin kung sino yun, pero salamat sayo, you motivated me to prove you wrong).

Sabi ko noon sa sarili ko papatunayan ko sayo na makakatapos ako ng pag-aaral at magkakaron ako ng magandang trabaho. After college I proved everyone wrong. Nakapag work ako sa magandang company sa Makati and I had one powerful realization that time.

You will only be successful as you imagine yourself would be. Kung gaano kataas ang pangarap mo, dun ka rin dadalhin nito. Kaya I always tell my kids, kapag nangarap ka taasan mo. Wag ka mag settle for less. If you want to be a President of a company, dream for it, work for it and get it.

Sabi nga ng LC, aim high, soar high.

I had office mates who were graduates of prestigious schools with honors. La Salle, St Paul, FEU, UP, name it meron. Pero san ba kami nag kita kita? Sa iisang opisina at mag ka level na position. Your school or medal will not define who you are, yes it will give you some sort of advantage, but it will not be the sole reason to get where you want to be, ikaw pa rin and gagawa non.

“Daddy sorry wala ako medal” were too painful words for her so I hugged Macy tight and assured her na okay lang wala syang medal. Magaling naman sya mag drawing and I’m 100% sure her talent will take her to places.

Anime drawing

Parents nowadays are so consumed to the idea of their kids getting a medal that they forget what matters the most, happiness. Wala sa school yung totoong medal. Ang totoong medal ay yung may marating ka sa buhay. Yung maging masaya ka sa ginagawa mo kasi you love what you’re doing.

The true honor is being able to give back, share your blessings and find true happiness. Let us not pressure our kids of things that will not matter so much later on. Not that it’s not important, but we have to teach them to love what they do instead.

To create a passion out of doing something. Kapag natapos na ang school, nasan na nga ba sila dadalhin ng medal nila? Diskarte at abilidad pa rin ang magdadala saknila sa tagumpay.

When the elevator of success is out of order, you have to take the stairs and diskarte will help you get through. 

If you like this blog please like & share. If you have any questions email hello@gracienoval.com or fill out the contact form here.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

CommentLuv badge

%d bloggers like this: